Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"

Comenzar desde el principio
                                    

Naghintay siya ng tawag. Wala pa rin. Tumayo siya! Naghubad ng pantulog. Pupuntahan niya ang kanyang mahal!

Sa penthouse ay nakapasok na si Kiel. Sumisingasing siya sa galit. Nakita niya si Nick na nakatayo. May hawak na matalas. Sumugod siya. Isang wasiwas ng matalas ni Nick ang kanyang sinalubong. Umilag siya at sinampal niya ang kamay ni Nick. Nabitawan ni Nick ang matalas. Tumilapon ito sa likod ng maliit na bar. Dinakma ni Kiel ang leeg ni Nick at ang tiyan. Binuhat niya ang binata, itinaas at inihagis sa dingding. Sumabog ang salamin at lumusot si Nick. Bumagsak siya sa sahig na baldosa sa labas ng pent house. Tumayo agad si Nick. Humanda sa pagsugod ni Kiel.

Lumabas ito. Sinalubong siya ng isang suntok ni Nick sa panga. Napangiwi si Kiel. Binigwasan niya ang binata, yumuko ito at sinuntok siya sa dibdib. Lumagutok ang mga buto, nabali ang dalawang tadyang ni Kiel. Umatungal siya. Ibinuka niya ang kanyang bibig. Kinagat si Nick. Isinangga ng binata ang kanyang braso. Ito ang nakagat ni Kiel. Malakas ang mga ngipin at pangil ng halimaw pero hindi bumaon . Matibay ang damit na bakal ng binata.

Nakakita ng pagkakataon si Nick at tinusok ng hintuturo niya ang kaliwang mata ni Kiel. Napisak ito. Sumabog ang dugo. Nabitawan niya sa pagkakagat ang binata. Umatungal ng napakalakas dahil sa matinding sakit. Muling sinuntok ni Nick at nasapol niya sa likod ng tenga. Umikot ang halimaw pero bago ito natumba ay nagawa niyang bigwasan si Nick. Sapol ang binata sa panga. Tumilapon siyang papasok sa pent house. Bumagsak siya sa mga upuan.

Bumukas ang elevator ng penthouse at lumabas ang tatlong security guards. Nagulat sila sa gulong nakita. Umatungal ang halimaw. Nakita nila ito. Shock sila sa takot. Pero itinaas nila ang mga dalang baril.

Pinagbabaril nila ang halimaw. Sapol ito. Tumayo si Kiel, tumakbo at tumalon sa gilid ng building. Humabol ang tatlöng guards at tumingin sila sa ibaba. Wala na ang halimaw na nakita nila. Bumalik sila sa penthouse. Nakarobe na si Nick.

" Sir, ano pong hayop iyun. Ngayon ko lang po nakita sa tanang buhay ko. " sabi ng isang guard.

"Hindi ko rin alam. Mabuti at dumating kayo. Kanina pa kami nag hahabulan nun. Sige salamat na lang. Kaya ko na ito. Hindi na siguro siya babalik. Paki-tawag ng lang ang house keeper para malinisan ito. At huwag ng ireport ang nakita ninyo. Ako na ang bahala sa inyo. " atas niya.

" Opo sir. " sumakay na sila sa elevator.

Hinubad ni Nick ang robe na suot. Hinubad niya ang damit na bakal. Tinignan niya ang kanyang brasong nakagat ng halimaw. Wala itong sugat kundi mga pasa. Sinalat niya ang kanyang mukha. Marami siyang galos.

"Gagaling rin naman ang mga ito." sa isip niya.

Pumunta siya sa bar. Nakita niya ang phone, may ilaw. May message siya. Galing kay Mira. Napangiti siya. Tinawagan niya si Mira. Nag ring! Walang sumasagot. Inulit niya. Wala pa ring sumasagot. Nag message na lang siya.

" Mahal kong Mira, huwag ka ng mag-alala. Ok lang ako. Ingat ka lang mahal ko. Mahal na mahal din kita!" pinindot niya ang send.

Sa ibaba, sa likod ng malaking lagayan ng basura nagbibihis na si Kiel. Pisak ang isang mata. Hindi na ito maibabalik pa sa dati. Habang buhay na siyang bulag ang isang mata. Galit na galit siya kay Nick. Pumunit siya ng isang shirt . Tinakpan ang nagdurugo pang wasak na mata. Tinalian ang ulo. Nang matapos na siya ay pumikit siya. Lumabas ang isang bala sa kanyang sugat sa dibdib. Pinasakan niya ng punit na damit ang sugat. Lumabas siya at naglakad. Nasa harapan na siya ng gusali at tumingala siya.

" Magkikita pa rin tayo Nick. Gagantihan kita. At masakit ang igaganti ko sayo."

Pagtingin niya sa harap ng gusali ay isang taxi ang huminto at bumaba si Mira. Pumasok sa gusali. Lalong nagpapuyos ng galit ang nakita niya.

" Mira! Aking Mira. Ikaw ang gagamitin ko para makaganti ako sa mahal mo. Pagkatapos ko sayo ay gagawin kitang reyna ng mga taong lobo. Ha ha ha ha ha!" bulong ni Kiel.

At tumatawa pa rin siya ng malakas habang naglalakad. May ilang taong nakakasabay niya ang umiiwas at napapa-iling na lang.

Kalalabas lang sa shower room ni Nick ng tumunog ang intercom.

" Yes" aniya.

" Sir, narito po sa lobby si Mam Mira. Gusto raw po kayong maka usap!" sabi ng security.

" Sige! Paakyatin ninyo!"

Agad na nagbihis ang binata. Inayos ang ilang sofa. Bumukas ang elevator. Lumabas si Mira at humahangos. Sinalubong ng binata. Yumakap agad ang dalaga at nagulat sa nakitang kalat at wasak na salaming dingding ng penthouse.

" Mahal ko, ano ang nangyari rito?" tanong ng dalaga.

" May bisita lang ako kanina. Hindi kami nagkaintindihan kaya iyan ang nangyari!" sagot ng binata.

" Huwag ka namang magbiro. Nag-alala ako kanina at kinabahan. Malakas ang naging kutob ko. Tama nga pala! May nangyari rito. " sabi ng dalaga.

Hindi na nagsinungaling si Nick. Kinuwento na niyang lahat ang nangyari.

" Taong lobo? Sino naman kaya siya at parang galit sayo."

" Malalaman mo rin kung sino siya. Pisak na ang kaliwang mata niya. Gagaling ang kanyang mga sugat pero hindi ang mata." sabi ng binata.

Yumakap muli ang dalaga.

" Natatakot na ako mahal ko. Marami na ang mga nangyayaring kababalaghan!"

" Huwag kang matakot. Niririto ako para sayo. " hinalikan niya ang dalaga.

Yumakap na sa kanya ng mahigpit. Nadarang na si Mira sa mga halik ng binata. Nag-init bigla ang kanyang pakiramdam. Unti-unti na siyang nagugupo hanggang sa hindi na niya kayang labanan pa. Binuhat siya ng binata. Ipinasok sa silid. Inilapag niya sa kama. Patuloy pa rin siyang hinahalikan. Hanggang sa isa-isang tinatanggal ng binata ang kanyang kasuotan. Nahubaran na siya ng tuluyan. Pinagmasdan siya! Hinalikang muli, sa mga labi. Gumapang ang mga halik ni Nick, sa leeg, sa kanyang dibdib. Lumiyad ang katawan ng dalaga at umangat ang kanyang dibdib. Nagpapa-ubaya na sa lalaking mahal na mahal. Hinubad ni Nick ang kanyang robe. Pinagmasdan ng dalaga ang pagkalalaki ng binata. Pumatong na siya. Napapikit si Mira. Naghihintay. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Parang may gustong sumabog sa kaloob looban niya. Muli siyang hinalikan. Lalong maalab, maiinit. Gumanti na rin ng halik si Mira. Nararamdaman niya ang mga haplos ni Nick sa buo niyang katawan. Nangingilabot ang bawat madantihan ng kamay ng binata. Napapa-ungol ang dalaga sa hindi niya maipaliwanag na nararamdaman. Nanginginig na ang kanyang kalamnan na wari ba niya ay may hinahanap at gustong sumabog ang kaniyang kaloob-looban.

" Mira aking mahal! Ngayon na!"

" Oo, aking Nick. Ituloy mo na! Mahal na mahal kita! Ahhhhhh!" at naganap na!

Nakaramdam ng hapdi ang dalaga. Maingat ang binata. Dahan-dahan ang kaniyang pagkilos. Ayaw niyang masaktan ang mahal niya. Namula ng pula ang sapin ng kama. Yumakap ng mahigpit ang dalaga. Ibayong ligaya na ang kanyang nararamdaman. Unti-unti ng bumibilis ang kilos ng binata. Parang may gusto ng kumawala sa kanya. Padiin ng padiin parang hindi matarok ang kalaliman. Umangat ang baywang ni Mira!

" Mahal ko, ano itong nararamdaman ko! Mahal na mahal kitaaaaa! Ayan na...!" sigaw ng dalaga!

" Ahhh! Mira! Mahal ko. Heto naaaa!!" bulong ni Nick.

Yumakap siya sa dalaga ng buong higpit. Sabay silang nanginig. Hanggang sa tumahimik lahat.

Umangat ang ulo ni Nick. Pinagmasdan niya si Mira. Nakangiti ito. Hinalikan niyang muli ang mga labi. Lumuha ang dalaga. Mga luha ng ligaya. Wala ng makakapaghiwalay sa kanila ngayon.

" Nick, mahal na mahal kita maging halimaw ka man!" bulong niya sa binata!

*********

Red Moon (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora