Part 38 . . . "Ang Katotohanan"

Start from the beginning
                                    

"Kilala na kita Nicholai Ivanoff. Kayong lahat! Alam ko na ang mga pagkatao ninyo! Mga Bampira pala kayo!" Bungad niyang sabi.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Mira lalo na si Nick.

"Mahal ko. Magpapaliwanag ako sayo!" sumalubong siya sa dalaga.

" Paupuin mo siya Nick. Ako na ang magpapaliwanag. " umupo ang dalawa sa tabi ng don.

" Mira! Totoo ang sinabi mo. Kaming lahat ay mga bampira. Kami lang ng aking buong pamilya. Ang mga piling katiwala at ang matandang si Mang Damian ay alam ang aming mga pagkatao. Mula ng mabuo ko ang pamilyang ito, ni isang patak ng dugo ng tao ay walang natikman ang mga anak ko. Lahat sila ay pinag-ukulan ko ng panahon. Tinuruan ng mabuting asal. Hindi ko sila kadugo. Isa-isa ko lang silang natagpuan noong panahong kailangan nila ng tulong at pagmamahal. Ayokong danasin nila ang sinapit ko. Kung paano inalipusta ang angkan ko. Isa-isang pinatay ang mahal ko sa buhay ng mga taong gahaman sa kapangyarian."

Nagpatuloy si Don Yuri sa pagkwento. Nakikinig naman Mira. Sa kanya nakatingin ang iba.

"Nang panahon na gusto ko ng sumuko may isang nagbigay sa akin ng pag-asa upang lumaban. Naging biktima ako ng isang bampira. Binigyan niya ako ng panibagong buhay. Buhay ng isang halimaw. Hindi ko matanggap noong una pero na isip ko ang pagiging bampira lang ang tangi kong paraan upang makapaghiganti sa mga taong pumatay sa aking mga mahal sa buhay"

" Namili ako ng aking mga biktima. Mga masasamang loob lamang. Nagbago ang lahat ng ang pinaka huli kong biktima ay isang batang babae. Kinabukasan, naging balita ang pagkamatay ng bata. Nag huhumiyaw ang mga kapatid at magulang. Nasa tabi lang ako at narinig kong lahat at nakita kung gaano sila nasaktan sa ginawa ko. Na-alala ko ang aking mga mahal. Naramdaman ko ang sakit nila. Kaya isinumpa ko hindi na ako papatay ng mga taong walang kasalanan."

"Dugo ng mga hayop ang aking ininom upang lumakas. Hanggang sa kaya ko ng mabuhay ng hindi umi-inom ng dugo ng tao. At iyon ang simula. Nang matagpuan ko sila ay nabasa ko sa kanilang isipan ang kagustuhan nilang mabuhay at ginawa ko silang kagaya ko. Ayokong magkamali na makalikha ako ng isang halimaw. Si Nick ay isa sa mga napili ko at hindi ako nagsisi. Isa siyang mabuting tao na naging mabuting bampira. Lahat sila ay ikinararangal kong maging mga anak! " paliwanag ng don.

" Kung si Nick po ay isang bampira at ako'y tao, papaano kami magsasama?" tanong ng dalaga.

" Nasa sayo na ang kasagutan sa tanong mo iha. Matatanggap mo pa bang mahalin si Nick sa kabila ng mga nalaman mo ngayon?" tanong ng don.

Tumingin si Mira kay Nick.

"Mahal Kita! Maging halimaw ka man aking mahal na Nick." yumakap ang binata sa kanya.

Napaluha!

Napaluha rin ang mga kapatid ni Nick at nagpalakpakan sila. Hinalikan ng binata ang dalaga. Mariin, maalab, punung-puno ng pagmamahal.

" Hay, kaswerte mo talaga tol. Ilang daang taon ka ring naghintay!" sabi ni Ross ang kuya niya.

" Kung ganyang wala ng problema sa inyong dalawa ay  ituloy na natin ang usapan kanina." sabi ng Don.

" Papa, talaga bang mga bampira ang pumatay sa tatlong tao kagabi?" tanong ni Nick.

Nakikinig lang si Mira.

"Oo Nick. At marami sila. Nakita ko ang mga marka ng mga pangil sa mga buto. " sabi ng don.

"Kung ganoon po Pa ay mauulit na naman ang dati nating layunin na ubusin ang mga masasamang bampira?" tanong ni Vladimir.

" Oo anak. Kaya maghanda kayo. Ramdam kong may malakas na puwersa na kumikilos sa paligid natin."

"Papaano po ang mga angkan ni Berong. Malalaman nilang naririto na si Nick. " tanong ni Ross.

"Saka natin sila haharapin kapag nalutas na natin ang problema. Kaya Michelle sabihan mo lahat ng mga katiwala na umuwi na muna sila at magbakasyon. Bigyan mo ng sapat na salaping panggastos nila sa loob ng tatlong buwan. Si Mang Damian, alam naman niya ang gagawin. At Nick, dalhin mo na muna sa Maynila si Mira at saka ka bumalik dito. Ayokong mapahamak siya. " sabi ng don.

"Ayoko pong mapalayo kay Nick. Kung dito ho siya ay dito na rin ako. " sabi ng dalaga.

"Kung yan ang iyong pasiya, sige! Mag-ingat ka lang. Tuturuan ka ni Nick sa gagawin mong paghahanda. Magpahinga na kayo. Marami pa tayong gagawin bukas. " atas ng don.

Tumayo na silang lahat, at pumasok na sa kanilang mga silid. Dumilim na ang kalangitan. Sa hindi kalayuan sa mansion ay may mga matang nagmamatyag. Nakita niya ang pagdating ni Nick. Tumayo ang lalaki at naglakad papalabas ng kakahuyan para makipagkita kay Berong.

******

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now