Lumabas na ang Duke at ang mga alagad ni Gustav upang sundin ang kanyang utos.

***

Bolstok, Nagsimulang lumikas na ang mga mandirigma. Naisakay na sa karuwahe si Nick na kunwari ay mahina pa at kasama niya si Arianna. Dala ng mga mandirigma lahat ng kagamitan nila. Sa monasteryo ng Bolstok na muna sila mamamalagi.

Sa hangganan ng kagubatan ay may nagmamatyag sa kanilang paglisan. Mga nagbabagang mga mata na puno ng galit at paghihiganti. Mga mata ng isang taong lobo na nakaligtas. Si Ravec, ang kapatid ni Malec!

Nakarating na sina Duke Croft sa monasteryo. Sinalubong sila ni Padre Torino. Isang gusali ang ginawang tirahan ng mga mandirigma kasama ang mga sugatan. Sa isang gusali naman ang Duke at mga ayudante niya kasama si Nick na ang alam nila ay mahina pa. Hindi sumama ang pamilya Ivanoff. Pumayag ang Duke na sa labas ng monasteryo sila tumira. Kumuha sila ng mga silid sa isang hotel.

Nalaman ni Jansen ang pagdating ng pamilya niya. Isang gabi ay pumunta siya sa kanilang hotel.

" Papa! Akala ko ay sa isang linggo pa kayo makararating dito. " bati niya sa ama.

" Mag-iisang linggo na kami rito. Tinulungan namin ang mga mandirigma sa pakikipaglaban nila sa mga taong lobo at nagapi namin sila. " sagot ni Yuri.

" Papa. Wala si Nick. May sinundan siyang mga mga alagad ng mga taong lobo. Hanggang ngayon ay wala pa siya."

" Nasa monasteryo siya kasama ng Duke. Huwag kang mag-alala sa kapatid mo. Ano na ang balita rito? Si Gustav, may balita ka na ba sa kanya?"

" Wala pa ho Papa. Pero may kumakalat na balita rito na may gumagalang halimaw daw sa gabi. Marami ng napapaslang na mga dalagita. Kaya pagsapit ng dilim sarado na ang bahay. Tahimik na ang buong bayan. Takot na ang mga mamamayan." sabi ni Jansen.

" At ano ang ginawa mo Jansen? Hindi ka ba kumikilos man lang para pigilin ang halimaw?"

" Nasa taberna lang ako. Nakikinig sa mga usapan na baka sakaling makasagap ako ng balita kung saan o sino ang halimaw. " pagsisinungaling ni Jansen.

" Mabuti pa ay bumalik ka sa taberna. Makiramdam ka ulit!"

" Opo Papa!" umalis na si Jansen na natutuwa. Walang kaalam-alam ang ama niya na siya ang halimaw sa gabi.

" Kailangang magpalamig muna ako. Mahirap na. Matalas si Papa. " bulong niya sa sarili.

Sa isang silid sa monasteryo ay nakahiga si Nick sa kama. Naka-upo si Arianna katabi ng kama.

" Mahal ko, hindi ka ba natatakot ngayong naririto ka sa loob ng monasteryo?" tanong ng dalaga.

" Hindi aking Arianna. Hindi na nga lang kami sumasamba o nagdarasal pero naniniwala pa rin kami sa Diyos kaya nakakahawak kami ng mga krus. Maliban lang kung makakapatay kami ng taong inosente at iinumin namin ang kanilang dugo. Magbabago kami at hindi makalalabas kapag may araw na.  " sabi ng binata.

" Kung ganoon mahal ko ay gawin mo akong katulad mo. "

" Baka hindi mo makayanan. Malakas ang tukso ng dugo ng tao. Lalo na kapag nakita mo ito at naamoy. Ayokong mahirapan ka. "

" Makakayanan ko mahal ko. "

"Ayokong maging halimaw ka aking mahal. Tama ng ako na lang ang halimaw huwag lang ikaw! "

" Aking Nick, halimaw ka man o hindi ay mamahalin kita. Mahal kita maging halimaw ka man ngayon sa harapan ko." Niyakap ng dalaga ang binata.

" Napakabango ng buhok mo mahal ko. Ngayon ko lang naamoy ang halimuyak na ito."

Red Moon (Complete)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें