129. Awit Sa Paglalamay

44 0 0
                                    

( Himig # 21 )

I

Kapatid na ngayo'y pumanaw

Sa mundo ng hapis at lumbay

Tinungo'y ang katahimikan

Libingan nating kahihimlayan

KORO:

Kaya kami'y umaasa

Na tayong lahat ay magkikita-kita

Sa bayan ng t'wat ligaya

Bayan ni Kristo at ng Dios Ama

II

Luha natin ay papahirin

Kamatayan ay papawiin

Lungkot hirap dusa't hilahil

Papalitan ng galak at aliw

III

Kaya tayong nangaiwanan

Krus ay h'wag nating bibitawan

Salungahin at pagpilitan

Salang kabaka natin sa buhay

IV

Kapatid h'wag tayong manlamig

Sa pula kutya'y pag-uusig

Batahin ang madlang pasakit

DIos ang sa atin ay S'yang bibihis.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now