99. Ang Paglapit Kay Kristo

130 1 0
                                    

I

Sinomang nagnanais malapit kay Hesus

Ay kanyang pag-aralan ang Banal na utos

Tayo ay magsigising aral ng Sumakop

Pagpapala'y kakamtin nating lubos

KORO:

Sa Iglesia ng Mag-ama

Tayo'y pumasok magsama-sama

Ito'y turo ng Biblia

Nang sa Paraiso'y lumigaya

II

Tayo na kababayan aral ay pakinggan

Banal na Kasulatan ang ating saligan

Ang wika si San Pablo takwil ibang aral

Nang kaligtasan ay tamuhing tunay

III

Sa lupang kinagisnan buhay ay papanaw

Ang dunong, karangalan ay hindi saligan

At di rin magliligtas ang pilak at yaman

Kundi pagsunod Kristong Ilaw Buhay.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now