48. Bagong Jerusalem Natin

80 0 0
                                    

I

Tayo na tinawag

Sa lusak ng sala

Sa mayamang habag

Pinawi ang dusa

Laong salang taglay

Kami'y iniligtas

Tanging pasalamat 

Ang maibabayad

II

Ngayo'y naririto

Nangagaawitan

Sa pagsamba namin

Ama'y patnubayan

Huwag Mong itulot

Na kami'y maligaw

Sa aming lakbayin

Tungong kalangitan

III

Samahan tuwina

Krus maisalunga

Puso'y ipag-adya

Sa pagkakasala

Ama'y kandilihin

Mabata'y tiisin

Sapitin ang Bagong

Jerusalem natin.

HIMNARIO - MCGIजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें