6. Ama Naming Nasa Langit

274 2 0
                                    

I

Ama naming nasa langit

Tunghan ang humihibik

Sa awa mo ay ilapit

Nang sa sala'y mabihis

Ilingap sa amin

Sala nami'y pawiin

II

Wala na Amang lalapitan

Liban sa Iyo lamang

Ang salang taglay sa buhay

Sa awa Mo'y hugasan

kami ay kupkupin

Sa kabalisahan namin

III

Kaming lahat kaawaan

Kristo Hesus na mahal

Sa Ama'y pamagitanan

Pagsamba ay samahan

Oh Ama'y tunghayan

Tanggapin aming alay

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now