65. Si Hesus Sambahin Ng Puso

42 0 0
                                    


May larawan, may larawan sa 'king puso

Magpakailan ma'y hindi maglalaho

At ito ay ang larawan ng pagsuyo

Na aking sinasambang buong-buo

Siya lamang ang ligaya n'yaring buhay

Na sa kalungkutan ko'y kaaliwan

Hindi ko maaring makalimutan

Ang S'ya'y lagi kong awitan

Ito ay ang tangi kong kasintahan

Si Hesus na aking pinakamahal


Ang pag-ibig N'ya sa aki'y madalisay

Dahil sa aking buhay inialay

Nagawa Niyang tanggapin ang kapaitan

Upang ako ay lumigaya lamang

At nang dahil sa dusa at pagsasakit

Pagkatao ko ay Kanyang nilinis

Oh Hesus ay dinggin yaring awit

Na alay ko hanggang langit

Pupurihin Ka ng bagong awit

Sa Paraiso Mong walang kahulilip


Oh mahal ko, oh Hesus ko.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now