126. Awit Sa Paglalamay

64 0 0
                                    

1.

Mundong ito'y maligalig

Bawat saglit mapanganib

Lahat ng bagay sa paligid

Sa pintig ng panaho'y sumasapit

Ang dalitang umaamis

Na sakbibi nakapananaig

Sa laman ng taong ito ang hilig

KORO:

Mga pagkasawi sa 'ting kabuhayan

Pagdaramdam ng anak gayon din ang magulang

Sa mga pag-irog sa 'tingminamahal

Dusa't mga himutok ang kaulayaw

2.

Lalo na kung sumasapit

Kamatayan na mapait

Puso ng sinoma'y tatangis

Sa pumanaw na minahal sa dibdib

Anong hirap anong pait

Dalitang hindi malirip

Walang lunas tanging sasagip

Dios, KristoHesus aliw ng may hapis

3.

Magtiis ka aking puso 

Sadyang ito ay darating

Hirap at mga kamatayan

Na pawang nangararanasan natin

Sa itinakdang panahon

Ito'y pawang tatanggapin

Sa magtitiis hahalili

Galak at ligayang walang kahambing.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now