75. Hula Ng Dios Sa Kasulatan

143 1 0
                                    

1.

Hula ng Dios nasa kasulatan

Kung ang mundo'y malapit wakasan

Langit, lupa tuluyang mapaparam

Mga Salita ng Dios masasaksihan

KORO: 

Ibandila . . . ilathala ang babala

Sa dalaga, binata at madla

Sa taong nagwawalang bahala

Nang maligtas sa dusa't mga sakuna

2.

Ang hulang ating masasaksihan

Lalago ang mga kaalaman

Ang sasakya'y magsasalimbayan

Sa lupa papawirin at karagatan

3.

Ang asal at ugali ng tao

Magugumon sa layaw at bisyo

Mga anak titigas ang ulo

Sa magulang ay masuwaying totoo

4.

Ang di ikapagbabalik-loob

Ng tao sa pagsunod kay Hesus

Sa salapi'y magiging maimbot

Tanging dahilan ng paglimot sa Diyos

5.

Kaya halina't dagling lumapit

Tupa ng Dios na nangawawaglit

Ang lahat mong sala ay itangis

Nang magtamong buhay sa Dios ng pag-ibig

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now