97. Pilipinas, Matuwa Ka!

129 1 0
                                    

KORO:

Pilipinas matuwa ka

Narito ang Dating Iglesia

Kaligtasan sa lahat na

Dito tayo magsama-sama

1.

Ang Iglesia ng Dios lamang

Ang tanging katotohanan

Tinukoy na Dating Daan

Ang mga hindi kilala

Na mula sa ibang bayan

Ibabangon dating tunay

Sa malayong silanganan

Dito ay hinuhulaan

Mababangon Dating Bayan

Ngayo'y ibinabandila

Naming inyong kababayan

Sa Pilipinas na bayan

2.

Kung ibig mapatunayan

Tunghan nati'y Kasulatan

Sinoma'y masasaksihan

Ang Iglesia'y isa lamang

Iglesia ng Dios kay Kristo

Hesus, Haligi't Saligan

Ng buong katotohanan

Iba't-iba'y hindi tunay

Sa bulaang mangangaral

Ang layon ay magpayaman

H'wag kaming kagagalitan

Biblia ang nagsasaysay.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now