32. Hibik Ng Alipin sa Silangan

84 0 0
                                    

I

Kaming tupa sa silangan

Na Iyong pinisan

Ikaw Ama'y tinatawagan 

Kami ay tunghayan

Lumalapit na may awitan

Kami'y 'Yong pakinggan

II

Sa pagsamba'y sumasamo

Nawa'y igawad Mo

Aral na lunas ng Kordero

Suma-Paraiso

Ang sala nami'y linisin Mo

Hugasan ang puso

III

Oh Dios Amang mahabagin

Alipi'y lingapin

Dinggin Mo ang aming dalangin 

Luha ay pahirin

Pagpapala't buhay na mithi

Sana ay pakamtin

IV

Kung ang wakas ay sumapit

Dito sa daigdig

Nang kaming lahat suma-langit

Oh Dios ng Pag-ibig

Sa piling Mo sa walang hanggan

T'wina ay aawit

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now