122. Dakilang Manlalalang

41 0 0
                                    

Ang Dios na Dakilang Manlalalang

Na Siyang pinagkautangan

Di malirip ang kadakilaan

Sambahin natin at ipagdiwang

Pagkat tayong makasalanan

Na hirang sa sanlibutan

Sa Pag-ibig ay tinawagan

Salang taglay natin sa buhay

Sa puso natin ay mamahay

Ang dakila Niyang Aral

Pasanin nating pagpilitan

Upang tayo'y magtagumpay

Tayo ngayo'y magpasalamat

Umawit tayong may galak

Si Hesus sa ati'y nagligtas

Sa parusang magpasalamat

Hanggang dumating ang wakas.

KORO:

Mga kapatid . . . tayo'y maghandog

( Pasalamat . . . pasalamat )

Sa Dios na naawa at nahabag

Dahil kay Kristo tayo'y naligtas

Sa sumpa Siya'y nagtiis ng hirap

Kaya halina . . . luwalhatiin

( At purihin . . . at sambahin )

Magpasalamat ng walang pagmamaliw

Hanggang sa kamataya'y purihin

Pangako'y kakamtin natin.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now