110. Darating Ang Araw

227 0 0
                                    

1.

Darating ang araw na hindi mo maiiwasan

Sa dakong silanganan ay lilitaw

Makikita ng mata hanggang doon sa kanluran

Si Hesus Liwanag di matitigan

KORO:

Darating ang Panginoon

( darating at Siya ay maghuhukom )

Darating ang Panginoon

( darating at Siya ay maghuhukom )

Darating ang Panginoon

( darating ang Panginoon )

Si Kristo Hesus ang Siyang hahatol

2.

Sa tunog ng pakakak mga patay mabubuhay

Haharap sa Haring pagsusulitan

Ang gantimpala sa lahat ng tao'i ibibigay

Ligaya sa nagtamo ng tagumpay

3.

Ang krus nating pinasan piliting maisalunga

H'wag hayaang mawalan ng pag-asa

Sa tahanang Kristiano'y sikapin mong mapasama

H'wag sa apoy na walang hanggang dusa.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now