109. Halina Oh, Mga Kapatid

263 1 0
                                    

1.

Halina oh mga kapatid

At tayo'y magsiawit

Sa Dios Ama na nasa langit

Sa ati'y nagtangkilik

Lahat ng ating ligalig

Sa Kanya'y ating isalig

Bagabag nati't maglang sakit

Lulunasan N'yang pilit


KORO:

Si Hesus ang ating tanggulan

At moog nating matibay

Siya ang tagapagsanggalang

Sa ating kasalanan


2.

Tayong lahat mangagsumikap

Ng ating paghahayag

Sa Puno na Tagapagligtas

Sa ati'y nag-iingat

Tagumpay nati'y asahan

Sa tanging Batong Matibay

Batis na pinadadaluyan

Awa ng kalangitan


3.

Kapatid ko'y iyong itaas

Ang Liwanag mong hawak

Iwagayway mo ang watawat

Si Kristo'y tumatawag

Aasa tayo tuwina

Tagumpay igawad Niya

Dumating man Kanyang parusa

Ligtas tayong lahat na.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now