82. Walang Ngimi Sa Kaninoman

36 0 0
                                    

I

Iglesia ng Dios lamang ang katotohanan

Sa hula ni Jeremias siyang Dating Daan

Ang mga di kilala taga-ibang bayan

Sa hula ni Isaias magtatayong tunay

KORO:

Sa dakong silanganan tinutukoy ng hula

Dito mababangon ang bayang nagiba

Ang Iglesiang tunay malaong natago

Ngayo'y ibandila

II

Ang Iglesia ng DIos kay Kristo Hesus lamang

Haligi't saligan ng katotohanan

Ang sinomang may ibig na mapag-alaman

Ito ay pag-aralan nasa Bagong Tipan

III

Ito ang may matibay na palatandaan

Dalisay ang doktrina di matututulan

Ang mga dating mali mauunawaan

Ang sinomang patnugot mahihiyang tunay

IV

Kung ibig na masubok mga kababayan

Ang sinomang patnugot inaanyayahan

Pumasok ngayong gabi makipagtagisan

Aming patutunayan walang kamalian.

HIMNARIO - MCGIDonde viven las historias. Descúbrelo ahora