35. Oh Amang Walang Kapantay

84 0 0
                                    

I

Oh Amang walang kapantay

Na Siyang Manlalalang

Kaluluwa nami't buhay

Ikaw ang nagtatangan

Kaya si Kristong pag-ibig

Sinugo Mo sa daigdig

Sa sala nami'y panlinis

Tutubos sa ligalig

II

Ligalig ng sanlibutan

Lagi sa kalayawan

Mahirap at mayayaman

Marunong mga mangmang

Kaya tao mag-isip ka

Samantalang may oras pa

Upang tayo'y iligtas N'ya

Sa lagim ng parusa

III

Ang salita ng Dios Ilaw

Tanglaw sa kadiliman

Alalay sa kahinaan

Sa 'ting lupang katawan

Kaya kami nananalig

Na kami ay mabibihis

Sa salang lumiligalig

Narito sa paligid

IV

Walang hapis, walang lungkot

Sa Bayang maalindog

Pawang aliw, pawang lugod

Na hindi matatapos

Kamataya'y napawi na

Hirap dusa at balisa

Bagabag na bumabakla

Ligayang walang hangga.

HIMNARIO - MCGIWo Geschichten leben. Entdecke jetzt