85. Iglesiang Dapat Kaaniban

42 0 0
                                    

I

Iglesiang kailangan na dapat kaaniban

Ang turo ng Kasulatan s'yang dalisay at tunay

Iglesia ng dayuhan tiyak na mali ang aral

Mag-ingat oh kababayan at marami ang bulaan

KORO:

Mag-ingat . . . sa mali

Huwag pana . . .tiko

Aral ay suriin mo

Mag-ingat . . . sa mali

Huwag pa . . . natiko

Ligtas pagdating ni Kristo

II

Ngayon ay panahon na ang puso ay gumising

Lahat ay kinakalakal relihiyon ay gayon din

Sa hulang nangatupad, mararanasan natin

Tao ay hilig sa layaw, sa salapi'y maibigin

III

Tayo ay mangag-ingat sa nagsisipangaral

Kristo ay kinakalasag ng pagpapaimbabaw

Hindi sinusunod ang gawang kabanalan

Ang atin ding namamalas ang bisyo at kalayawan.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now