21. Kapatid Puso Mo'y Lakasan

220 3 0
                                    

I

Kapatid puso mo'y lakasan

Sa ating gawang kabanalan

Manalangin sa gabi't araw

Sa Diyos Ama na lubhang banal

KORO:

Ama naming mairugin

Anak Mo'ng lumuluha'y

Iyong kupkupin

Tanggap Ama ang pagdaing

Nitong humihibik Mo'ng alipin

II

Ama na makapangyarihan

Kaming lahat nananawagan

Upang kami'y h'wag nang maligaw

Sa mithiing buhay walang hanggan

III

Kristo Hesus aming tanggulan

Kami nawa'y pamagitanan

Sa lahat naming mga karaingan

Nang kami'y dinggin sa 'Yong Pangalan.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now