9. Daing Na Mula Sa Kalbaryo

172 1 0
                                    

I

Tinig na mula sa kalbaryo

Ang siyang nasok sa puso ko

Ang wikang mapanglaw ni Kristo

Na habilin sa madlang tao

KORO:

Kilabot . . . kilabot

Ng dilim . . . ng dilim

Hukbo ng masama'y susupil . . . susupil

Kay Hesus . . . kay Hesus

Pumiling . . . pumiling

Siya ang kilabot ng dilim.

II

Sa tinik at hampas nagdusa

Sinibat sa pagkaparipa

Ang suka at pait binata

At saka winikang ganap na

III

Binata mo ng walang daing

Ito'y halimbawa sa amin

Oh Hesus kamay ko'y abutin

Aliping nagkulang kupkupin.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now