60. Sa Pagsamaba'y Samahan Mo

146 3 0
                                    

I

Alibughang nagpipisan

Ama ay tunghayan

Sa 'ming mga pananambahan

Ay Iyong samahan

Magpupuri sa 'Yong pangalan

Na may kagalakan

II

Alipin Mong sumasamo

Puso'y linisin Mo

Ang dakila Mong Espiritu

Ama'y suguin Mo

Linisin ang madlang sala ko

Paging dapatin Mo

III

Kristo Hesus naming buhay

T'wina'y alalayan

Paglilingkod nami'y samahan

Hanggang sa kawakasan

Sapitin buhay walang hanggan

Sa langit Mong bayan

IV

Ang aral Mo ay panlinis

Sa puso at isip

Mataglay na may pagtitiis

Hanggang suma-langit

Sa pagasa na minimithi

Sana'y 'Yong ilakip

V

At sa langit naming bayan

Laging aawitan

Alleluyah na walang hanggan

Sa Amang marangal

Luwalhati sa Kanyang pangalan

Magpakailan pa man.

AMEN . . .

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now