114. Sa Malawak Na Dawag

116 2 0
                                    

I

Sa malawak na dawag ng ating kubuhayan

Pawang lungkot, dusa't kabagabagan

Ang twina'y kabaka sa ating kalagayan

Si Hesus ngayon ang aking Kanlungan

KORO:

Lapitan natin Siya sa tawag na mairog

Si Hesus ang Timbulan ng sa Kanya'y susunod

Anyaya'y pakinggan mo nang sa puso'y pumasok

Upang maging alagad Niyang lubos

II

Sa malaking daluyong ng madlang kasalanan

Kalul'wa ko'y bagabag araw-araw

Sa hapo ng isip ko sa madlang kalayawan

Si Hesus sa akin ngayo'y nag-akay

III

Si Kristong Timbulan ko ang Bato na Matibay

Na pamuksa sa madlang kasamaan

Si Hesus ang Pastor ko taglay na kahinaan

Sala kong hindi kaya'y tutulungan.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now