38. Iwalay Sa Puso

70 0 0
                                    

Iwalay sa puso 

Ang madlang mga sala

Hirap ng Dios

Na tinawag sa Iglesia

Ang krus na pinasan

Piliting isalunga

Sa wakas ng lagim

Ang bayang maligaya

Ngunit kung hindi dalisay

Sa puso ang tungkulin

At sa layaw at lugod

Dito buhay ay gugugulin

Wakas na malalasap mo

Dusa't madlang hilahil

Sa hindi pagtatapat

Sa sinumpaang tungkulin

KORO:

Kaya hanggang may araw (hanggang may oras)

Atin ng pasukin

Ang pinto na makipot

Ng ligaya tuwa't aliw natin

Nang tayo ay sumapit (sa Paraiso)

Ng ating mithiin

Pangarap ng buhay

Na di magmamaliw.

HIMNARIO - MCGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon