94. Anti-Kristo

40 0 0
                                    

1.

Anti-Kristo ay ating makikilala

Gawa't aral ay walang kapara

Pitong ulo sampu ang sungay niya

Ganid na lobo at may damit tupa

2.

Anti-Kristo layuan at katakutan

Na malaong sa ati'y nagligaw

Lisanin natin hidwang kinagisnan

Sumuno tayo sa katotohanan

3.

Anti-Kristo may tanda siyang inangkin

Anim na raan anim napu't anim

Sa mitra ng papa ating bilangin

Vicarius Filli Dei sa wikang latin

4.

Anti-Kristo nagpahirap sa sumuway

Sinunog, binaril at pinatay

Binitay ang iba'y pinahirapan

At sinamsam pa ng kayamanan

5.

Anti-Kristo kampon niya'y tinandaan

Ng tanda sa noo't kanang kamay

Upang ito'y tandang pagkakilanlan

Sa lahat ng kanyang nasasakupang

6.

Ang pahayag sa langit na sumisigaw

Tinig na sa atin ay nagsasaysay

Lumabas ka sa kanya Aking Bayan

Sa parusa ng hindi ka madamay.

HIMNARIO - MCGIDonde viven las historias. Descúbrelo ahora