119. Ama'y Iyong Dinggin

85 1 0
                                    

( Himig # 21 )

I

Narito at nagkakaingay

Kaming Iyong mga tupahan

Nagagalak na may awitan

Ikaw ay pinasasalamatan

KORO:

Ama namin Iyong dinggin

Pasalamat ng Iyong mga alipin

May awitan at dalangin

Sumasa-Iyo nawa ang tuwa't aliw

II

Amang Batis ng Kabuhayan

Sa mundo ng kabagabagan

Lumigaya nawa sa buhay

Nang Ikaw t'winay pasalamatan

III

Ang mat'wid na pasasalamatan

Sa tao'y siyang hinahanap

Ngunit ang liko't di marapat

Poot Ka at di nagagalak

IV

Kaya ang dalangin sa Iyo

Hibik namin ay tatanggapin Mo

Nagbabagong buhay sa bautismo

Laging magpasalamat sa Iyo.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now