123. Magalak At Magpasalamat

32 0 0
                                    

I

Mangagalak tayo at magpasalamat

Tayong tupang waglit na mga tinawag

Sa bangis ng sala tayo'y iniligtas

Ang payapang buhay ay nalasap

KORO:

Anong lugod . . . at ligaya

Anong saya . . . magalak ka

Bayang Banal . . . makikita

Jerusalem . . . na maganda

Ang lunggating buhay na walang balisa

Dusa't kamatayan naparam na

II

Ang pasasalamat h'wag kaliligtaan

Sa tuwing darating ating pagpipisan

Anomang biyayang malasap sa buhay

Sa Dios ay ating pasalamatan

III

Ang pasasalamat na nais ng Dios

Magtipon, umawit, ihayag ang utos

Ang pusong malinis dalangi'y maghandog

Pasalamat na kalugod-lugod.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now