11. Buhay Na Dungis-dungisan

258 1 0
                                    

I

Ngayo'y nagtipong sama-sama

Umawit na maligaya

Tayong dukhang hinirang Niya

Maparangal tuwina

KORO:

Buhay nati'y dungis-dungisan

Itangis natin sa Dios mahugasan

Magsisi hanggang kamatayan

Sala natin kalilimutan

II

Sapusong marupok iyukit

Aral ng Dios na panlinis

Taglayin hanggang sumalangit

Lunas sa 'ting ligalig

III

Tungkulin ay h'wag bibitawan

Magpahanggang kawakasan

Kung tayo ay maratnang buhay

Wala ng kamatayan

IV

Doo'y wala na ang pagluha

Hirap dito'ymasagana

Naparam ang madlang dalita

Buhay doo'y payapa.

HIMNARIO - MCGITempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang