106. Sa Ating Paglakad

208 3 0
                                    

I

Tayo'y sumunod tayo ay lumakad

Landas na mat'wid nang hindi malinsad

Ingatan ang kilos at paglakad

Lakasan ang loob nang marating agad

II

H'wag tayong lilingon sa pinagdadaanan

Baka matisod sa ating paghakbang

Mata'y ititig sa nilalakaran

Tinik ay nagkalat baka mayapakan

III

Ang salang dati na nakabibigat

Ibisin natin sa ating paglakad

Nang tamuhin ang pinapangarap

Doo'y walang lungkot, doo'y walang hirap

IV

Sa Bayan ng Dios lubhang maligaya

Ang kamatayan doo'y napawi na

Bagabag at sakit at pangamba

Pinawi ng lahat ng Dios na Ama.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now