90. Ang Kristo'y Dios

136 0 0
                                    

I

Ang Kristo'y Dios na nagkatawang tao

Sugo ng Ama sa mundo

Upang tubusin ang madlang sala ko

Ng dugo ng Kordero

KORO:

Ang Kristo'y Binhing Salita

Nalihim sa hiwaga

Pantas di nakaunawa

Kaya tao ang wika

II

Ang Kristong Salita ay sumasa Dios

At itong Salita ay Dios

Nagkatawang tao at S'yay nanaog

Nangaral sa sinukob

III

Ito'y tunay nating masusumpungan

Sa loob ng Kasulatan

Kahit sinong tao'y makatutunghay

Mababasang malinaw

IV

Kaya tao'y h'wag mag-aalinlangan

Ang Kristo ay Dios na tunay

Kaya Kristo'y totoo't panaligan

Ang tao ay bulaan

V

Sa disisiete singko ni Jeremias

Malinaw na nakasulat

Sumpain taong sa tao'y maglagak

Pagkat di maliligtas.

HIMNARIO - MCGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon