36. Kami'y Ingatan Mo

533 6 0
                                    

I

Ang marupok naming puso

Oh Ama'y ingatan Mo

Sa hibo't daya ng tukso

Nang mapiling sa Iyo

Tulungan Mong matiis

Ang madlang pag-uusig

Nang kami ay makasapit

Sa Paraisong langit

II

Madawag nilalakaran

Sa paligid ng buhay

Puso nami'y patnubayan

Ng Espiritong Banal

Buhay at kapalaran

Ikaw ang nagtatangan

Samahan sa kawakasan

Nang kami'y magtagumpay.

AMEN . . .

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now