105. Ang Salita Ng Dios

126 0 0
                                    

I

Ang Salita ng Dios

Ay kabanalan

Ilaw ng taong nadidiliman

Bilanggo sa sala'y

Malulunasan

Mapapawi ang kabagabagan

KORO:

Ang puso mo'y buksan

Salita ay dinggin

Aliw at ligaya'y tatamuhin

II

Balisa mong buhay

Layaw ng puso

Malaong sa sala'y nabilanggo

Kaya't magtinding ka

Sa pagkalugmok

Ikaw ay tinatawag ng Dios

III

Pagdating ng oras

Di mapipigil

Ang buhay na ito'y babawiin

Kaya't magnilay ka

Dagling lumapit

Maliligtas ka kung siyang nais.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now