31. Hesus, Ligaya Ng Puso

102 0 0
                                    

I

Sa buhay ko'y wala na

Makaaaliw sa lungkot at dusa

Ligaya ng puso ko

Tanging Ikaw lang

Aliw sa siphayo

II

Oh Hesus ko'y tulungan

Ingatan sa bagabag niyaring buhay

Ang samo ay huwag bayaan

Hanggang sa kawakasan

Sa hirap at sakit

Sa 'Yo ay mapisan

III

At sa Pasasalamat

Na tanging bayad sa 'Yong paghihirap

Buhay ko at ang pag-asa

Sampu ng kaluluwa

Iniaalay sa ' Yo

Oh Hesus kong sinta


At doon sa Paraiso

AY alalahanin Mo

Sa ligayat tuwa'y mapiling sa iyo.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now