27. Kristo Hesus Namatay Ka

146 3 0
                                    

I

Kristo Hesus namatay Ka

Tinubos ang aking sala

Doon sa krus naparipa

Ikaw ang Siyang nagdusa

KORO:

Oh Hesus ko na sumakop

Sa sala ng sansinukob

Dugo Mo ang ibinuhos

Nang sa akin ay pagtubos

II

Buhay Mo'y ipinapatay 

Nang ako'y malinis lamang

Hesus kong namamagitan

Pagpupuri'y pagdamutan

III

Ang sala kong di mabilang

Oh Hesus ko'y hinadlangan

Ng dugo Mong lubhang banal

Nang ako'y malinis lamang

IV

Hesus ako'y iniligtas

Buhay Mo ay Siyang bayad

Anong pait, anong saklap

Ng gawa kong pawang linsad.

HIMNARIO - MCGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon