127. Awit Sa Paglalamay

38 0 0
                                    

I

Kapatid mapayapa kang nahihimlay

Tinungo mo'y katahimikan

Wala na ang lungkot, dusa't panambitan

Naibis nang lahat ang pasan

KORO:

Sa libingan tinutungo

Himlayan ng tao

Ang larawan ng paraiso

Pag-asang naiwan sa buhay na ito

Pangakong buhay matatamo

II

Kapatid kami na iyong iniwanan

Sa mundo ng kapighatian

Mabata na nawa ang hirap sa buhay

Nang matamo'y kaligayahan

III

Sa huling hudyat ng tunog ng pakakak

Sa pagdating ng pagwawakas

Magkikita-kita ng buong may galak

Sa Bayan ng Dios na pangarap

IV

Sa huling gabi nga ating pagkikita

Na may luha ang mga mata

Sakbibi ang lungkot aming binabata

Kaming naglalamay may dusa.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now