102. Ilaw Ng Katotohanan

92 1 0
                                    

1.

Ilaw ng Katotohanan

Tinig ng Dios na Banal

Ang Siyang kaligtasan

Ng taong makasalanan

Ito ang magiging tanglaw

Ng pusong nandidimlan

Kay Hesus masusumpungan

Dulot ng Dios na Banal

KORO:

Tayo ay . . . tayo ay

Mag-awitan . . . papurihan

Sa langit . . . na marikit

Bayang Banal . . . anong inam

Ang ligayang makikita

Ng ating mga mata

Doo'y lungkot ay pawi na

Anong inam anong ganda

2.

Lahat ng mahihirap

Sa lupa'y mga hinamak

Pinag-usig nilibak

Nang dahil sa paghahayag

Ng balitang magliligtas

Madlang sala ng lahat

Doo'y napawi ang hirap

Ligayang walang kupas

3.

Kung marating na natin

Bayang Bagong Jerusalem

Ama't mga kerubin

Ang makakapiling natin

Ang Korderong nagniningning

Ang Siyang mang-aaliw

Alleluyah ay awitin

Ang Dios Ama'y purihin.

HIMNARIO - MCGIWhere stories live. Discover now