26. Ngayo'y Oras Na Maligaya

293 2 0
                                    

I

Magsisi sa madla mong sala

Sa t'wing mag-aalay ka

Nang tayo'y kalugdan ng Ama

Sa ating pagtalima

Hayo't dagli nating ibisin

Salang nakapipigil

Ang aral ay ating tanggapin

Na kaligtasan natin

II

Oras itong takda sa atin

Pagkakatipon natin

Umawit tayo't dumalangin

Sa puso nang taimtim

Kaya dinggin at unawain

Aral ng Dios sa atin

Sa puso nati'y paghariin

Espiritung aaliw

III

Ligaya ay iyong kakamtan

Sa Bayang kalangitan

Ang Dios ating makakapisan

Buhay ay walang hanggan

Kaya't pilit tayong magsikap

Ang puso ay igayak

Salungahin mong walang liwag

Krus ay isabalikat.

HIMNARIO - MCGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon