CHAPTER 79: THE FINAL CHAPTER

5.3K 87 28
                                    

CHAPTER 79: THE FINAL CHAPTER

Raijen's POV

Tumingin ako sa salamin upang suriing muli ang aking hitsura. Hinigpitan ko ang aking suot na necktie at muling inayos ang aking buhok na pinatigas nang gel. 

Pilit kong pinapahupa ang aking mga matang magang-maga sa madalas kong pag-iyak. Ngumiti ako ng mapait at pilit na pinapakalma ang sarili para sa magaganap na selebrasyon mamayang alas siyete nang gabi.

Knock! Knock!.

" Pasok." Walang kagana-gana kong sabi sa kumakatok.

Pumasok si kuya sa aking kuwarto, matamlay itong nakatingin sa akin.

" Bakit ganyan nanaman ang suot mo Raijen?" Tanong niya.

Nakasuot nanaman kasi ako nang damit panlalaki, itim na tuxedo na binagyan nang turquoise necktie. Mas pinaigsian ko rin ang buhok ko sa hindi ko malamang dahilan.

Hindi ko gustong magbestida at mag-ayos. Wala akong gana.

Sinagutan ko lang nang ngiti si kuya, napakagat labi ito at nagmadaling lumapit sa akin. Niyakap niya agad ako ng mahigpit.


" Be strong Raijen, alam kong masakit pero please lang huwag kang susuko. " Sabi niya habang yakap-yakap ako nang mahigpit.  Ngumiti lang ako at pumikit habang yakap-yakap ako ni kuya.

" Nga pala hinihintay ka  ni Zenji sa living room."   Pahabol niya.

Agad akong pumunta nang living room para tagpuin si Zenji. Pormal na pormal din ang hitsura niya kagaya ko. Halatang isang engrandeng engagement party ang aming dadaluhan.

" Boss." Nag-aalala ang tono nang pananalita niya.

" Tara na?" Pagyayaya ko. Ayoko na ng drama. Sawang-sawa na ako dun.

Sumakay kami ni Zenji sa  bagong bili niyang motor. Second hand na daw ito pero maganda pa rin. Kulay dilaw ito na  may halong itim. Nabili ito ni Zenji sa pamamagitan nang ipon niya. Ang galing lang niya ano?

Pinaharurot niya ito sa kalsada at dahil naka-single kami ay nakarating kami agad sa venue.

Gaganapin ang engagement nila sa garden nang Thompson's Main mansion.Mas engrande na ang mga dekorasyon sa venue. May red carpet pang dadaanan ang mga bisita na karaniway mga artista, models, businessmen at pulitiko.

Marami ring paparazzi  sa kapaligiran, naroon pa nga ang mga sikat na photographers here and abroad eh, plus may mga media din galing sa mga bigatin  at naglalakihang TV stations. 

Nakakamangha sana kung hindi lang sumasakit ang puso ko.


Katherine'sPOV

Tapos na akong ayusan nang mga sikat na make-up artists. Nakakairita kasi wala na akong privacy dahil sa samu't-saring mga camera na nakatutok sa akin habang inaayusan ako. Kulang na lang kuhanan din nila ako habang nagbibihis.

Finally, tapos na ang hair and make-up ko. Inalalayan din ako sa pagbibihis nang mga stylist na hinire nang family ni Shino. 

Napasulyap ako sa salamin na nasa aking tabi at pinagmasdan ko ang aking sarili. Naka princess hairstyle ako, naka bun yung hair ko tapos medyo wavy yung hitsura niya kahit pa nakapusod siya.

Nakasuot din ako nang maliit na tiara na pinaresan nang pearl danglings sa aking tenga. I was wearing a simple yet elegant white dress na may touch nang gold. Actually gold talaga yung motif nang engagement namin nang fiance ko. Hindi ko alam kung bakit pero yun kasi yung gusto nila. 

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon