Chapter 16: The Secret Hide-out (Part 2)

6.5K 132 17
                                    

Chapter 16: The Secret Hide-out (Part 2)

[Raijen’s POV]

CLICK!   (Flash ng Camera)

“Ganito po ba?”

 

“Yan, very good ibuka mo pa ng konti.”

 

“P-po? T-teka po…k-kasya ba?”

 

“Kasya yaaan.”

 

CLICK!

 

“ Ang sarap mong tignan.. Hehehe!”

“Huwag niyo po akong tignan please, sobrang nakakahiya po”

CLICK!

“You should be proud of yourself Raijen, I’m glad na ikaw ang pinili ko. Dali na ibuka mo na  yan.”

Wala na akong choice kaya ibinuka ko na

.

.

.

.

Yung payong na hawak ko.

Hello! Andito ako ngayon sa isang cosplay photoshoot. I’m wearing a Lolita outfit with super cute umbrella. Kaso may kalakihan yung payong kaya sumasabit siya sa mga lights sa tabi ko. Maliit lang kasi yung lugar kaya medyo masikip.

“Sabi ko sayo hindi kasya eh! Ang liit nung space oh! Atsaka tignan mo nga tong suot ko, nakakahiya!” Reklamo ko.

Lumapit siya sa akin at pinitik ako sa ilong.

“Tange! Ang cute mo nga sa red and black dress at blonde curly wig mo. Ayos na ayos nga experiment ko sayo eh you look exactly like a cute and lovely doll!”

So eto nga po pala yung sinasabi niyang experiment. Pinagexperimentuhan niyang lagyan ako ng wig , make up at bihisan ng kung anu-ano! May sasalihan daw kasi siyang photoshoot contest sa isang cosplay event  at anak ng tinapa ! Ako yung napili niya na pag eksperementuhan.

Pangarap daw kasi niyang maging photographer at mag i-start daw siya  sa ganitong paraan. Sadyang nasa liblib at masukal na lugar daw itong lugar na ito which is lupa naman nila kasi nga madami daw ang e-epal na magpapapicture sa kanya kapag naging laganap ang tungkol sa experimental photoshoot niya.

Gumawa rin daw siya ng chismis na porn or nude photoshoot daw ang nagaganap dito para sa mga nakadiscover. Dahilan yun para katakutan ito ng mga epal na kababaihan.

Nung una eh duda ako at inisip na baka yung porn slash nude photoshoot yung totoo at yung pangarap niya maging isang photographer yung joke , pero halos isang oras na kaming nagpipicturan dito at wala pa namang nagyayaring nakakasira ng dangal ko. Todo secured pa ng ako sa dressing room every time mag che-change costume ako eh. 

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now