Chapter 19: Ano ba 'to?!

5.8K 111 6
                                    

Chapter 19: Ano ba 'to?!

“H-hah? S-sagutin mo!”

Umiwas ako ng tingin sa kanya, hiyang-hiya kasi ako sa mga nangyari. Pakiramdam ko tuloy babae ako ni Shino at pinagtataksilan naming dalawa si Katherine sa mga pinagagagagawa namin. OMG! Hindi ba dapat si Katherine ang nilalandi ko? Siya kasi talaga ang gusto ko at ang pangarap ko na mapa sa akin. Pero ano itong mga pinagsasasabi ko kanina nung akmang hahalikan na ako si Shino?

Napatigil ako sa pag-iisip ng narinig ko ang mga sinasabi ni Shino kay Katherine.

“I’m okay, I’m okay .. Don’t worry I’m not injured or something, hindi naman ako napa trouble or ano I’m fine.”

Napahinto ito sandali sa pagsasalita, siguro nagsasalita din si Katherine sa kabilang linya at pinakikinggan niya ito.

“Kasama ko si Raijen ngayon and you don’t have to worry about us .”

Ano? Feeling ko dapat na ngang magworry ni Katherine sa ating dalawa eeeeh! Ano ba ito? Na gui-guilty naman ako!

Ibinaba na ni Shino yung phone niya at lumingon sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya dahil bukod sa nagui-guilty ako eh nahihiya din ako.

“Raijen, anong facebook account mo? Add kita.. May twitter account ka ba? Fa-follow na din kita!”

Ay, ano yun? Pano napasok yung usapang facebook at twitter dito? Siguro iniba lang niya yung topic para hindi na namin maisip yung nangyari kanina atsaka para walang mamuong tension sa pagitan naming dalawa! Ganun na nga siguro yun.

“Facebook meron, twitter wala eh. Search mo na lang Rai Rai Pogi lalabas na mukha ko dun. Yung DP ko nga pala pogi na naka shades at cap yung naka side view.”

“Ah okay”

Iniangat niya yung phone niyang malapad at touch screen at tinap-tap ang screen nito.

“Ikaw ba to?”

Itinapat niya a mukha ko yung phone at dun ko nakita yung FB account ko.

“Oo ako yan!”

“Bakit male?”

“Male nga kasi ako!”

“Pogi mo tol ah! Di halatang babae ka sa DP mo, lalaking-lalaki ah!”

Hay sa wakas, medyo nawawala na rin sa isip ko yung mga nangyari kanina..

Tumingin siya sa akin ng masama at nginitian ko lang siya. Agad niyang iniwas ang tingin niya at nagmasid pa sa facebook ko. Hindi kasi naka private yung account ko dun ee, pati wall ko lantad kahit hindi mo ko friend.

“Oh! In a relationship ka na pala with Honey Rivera eh. Bakit pumoporma ka pa kay Katherine? Ang chikboy mo naman!”

“Si Honey Rivera? Wala yan noh! Sa FB ko lang gelpren yan. Di ko pa nga nakikita yan sa personal eh!”

Kinalikot pa niya yung facebook ko at may nakita siyang picture naming dalawa ni Honey pag scroll down niya. Hindi talaga kami magkasama ni Honey sa picture, naka collage lang ito pero meron itong 107 na likes.

“Ayos toh ah.Sinong gumawa?”

“Baka siya, siya kasi yung nag tag sa akin oh.”

Pilosopong sagot ko sa kanya.

“Lupet nung caption oh!”

Binasa pa niya ng malakas yung caption sa harapan ko kahit pa nabasa ko na yun.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon