Chapter 76: Rebel Love

3.8K 52 13
                                    

Chapter 76: Rebel Love

Raijen's POV

"Shino! Shino!" Halos mamaos na'ko kasisigaw ngunit hindi niya ako nililingon. Nasa garden kami nang university ngayon. Pilit ko siyang hinahabol para mabigyang linaw ang lahat. Bigla na lang kasi siyang nagagalit sa'ken. Atsaka ano yung sinasabi niyang niloko ko siya?

"Shino ano ba? Ano bang sinabi sayo ni Eugene? Bakit mo siya sinaktan nang ganon?"

Agad akong napahinto sa paglalakad nang mapagtanto kong huminto siya. Nakikiramdam ako sa kung anuman ang kanyang gagawin. Sobrang bigat na nang puso ko, para itong sinilidan nang bato sa loob. Ayoko talagang nakikitang ganito ang mood ni Shino.

" Raijen, mabuti pa huwag mo muna akong kausapin." Halos mapaiyak na ako nang marinig ko iyon. Iba ang dating nung boses niya sa akin. Para bang sinasabi nito na huwag ko na siyang kausapin habang buhay.

"P-pero bakit?" Tanong ko na punung-puno nang pangamba, hindi ko alam kung gusto ko pa bang marinig ang sagot niya dahil natatakot ako. Pero kailangan yun para mabigyan nang linaw ang isip ko.

" ANG SABI KO HUWAG MO MUNA AKONG KAUSAPIN!" Sa oras na ito, tumaas na ang boses niya at ganun din ang biglaang pagdama ko sa mga likidong tumutulo mula sa aking mga mata. Itinikom ko na lamang ang aking bibig at pinagmasdan ang kanyang likuran.

" Subukan mo kong sundan at baka hindi mo na ako gustuhing makita pa." Yun ang huling sinabi sa akin ni Shino nung mga araw na iyon.

Para bang nag kulay itim at puti ang lahat nang nasa kapaligiran ko. Pakiramdam ko'y ikamamatay ko ang mga salitang narinig ko mula sa kanya. Parang napalitan nang sakit ang pag-ibig at kasiyahang aking nadarama kanina lang. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang humagulgol lang sa sakit. Napahawak ang aking magkabilang kamay sa aking mga labi at namalayan ko na lang na napaupo na pala ako sa damuhan habang umiiyak. Wala na akong maramdaman pang iba maliban sa sakit.

Ganito pala, ganito pala yung pakiramdam nang biglaang pakikipagbreak ko noon kay Shino. Sobang sakit sa dibdib. Parang gusto mong magwala at magsisigaw sa magkahalong lungkot at sama na loob na iyong nadarama.

Heidi's POV

" Eugene!" Sabay bukas ko sa pintuan nung clinic kung nasaan siya, napaiyak ako nang makita ko ang bugbog niyang katawan habangnakaupo siya sa kama, seryoso itong nakadungaw sa bintna habang may benda ang kanyang noo. Never ko pa siyang nakita na nabugbog nang ganito.

Lumapit ako sa kanya, gusto ko siyang bulyawan at sampalin pero nakita ko na lang ang sarili kong humahagulgol at yakap yakap siya.

" Eugene, anong nangyayari sayo?!" Sabi ko habang yakap-yakap siya. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko.

" B-bakit ka umiiyak Heidi?" Ang tanging sabi niya. Hindi ko siya sinagot at nanatili lang ako sa pag-iyak.

Sino si Eugene? Sino si Heidi? Ano ba talaga ang relasyon nila sa isa't-isa? Mag school mate? Mag amo? Yun lang ba?

Ako si Heidi Vanessa E. Villablanca, lumaki ako sa Nueva Ecija, Ang tatay ay isang magsasaka samantalang ang nanay naman ay lumuwas nang Manila upang pagsilbihan ang pamilyang Evans.

Noong ako'y tumuntong nang highschool ay isinama ako nang aking ina sa mansion na kanyang pinagsisilbihan. Mabait ang family Evans kay nanay at susuklian pa nga daw nila ang mahigit sampung taon na paninilbihan ni nanay sa kanilang pamilya. Dahil dun ay pag-aaralin nila ako sa Ashton High School kung saan din nag-aaral ang anak nila.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now