Chapter 56 : Si Shino

4.2K 78 9
                                    

Chapter 56 : Si Shino

[Raijen's POV]

Kumuha ako ng tuwalya sa aking aparador ng matapos ko siyang hilutin atsaka ito ihinagis sa ulo ni Katherine.

"Ay! Ano ba, hindi ka ba marunong mag-abot ng maayos?!" Iritang sigaw ni Katherine.

"Tuyuin mo yang sarili mo baka magkasakit ka." Matipid kong sagot sa kanya.

"Puwede ba tumigil ka na sa pag-arte mo ng ganyan Raijen!"  Bulyaw sa akin ni Katherine.

"Aalis na ko sa Ashton U kaya wala ka ng dapat ikabahala atsaka huwag kang mag-alala kasi napagdesisyunan ko ng umiwas kay Shino."

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at nawala ang galit sa kanyang mukha.

"Totoo ba yang sinasabi mo?"  Kalmadong tanong sa akin ni Katherine.

" Mukha ba akong nagbibiro?"  Sagot ko sa kanya.

Lumapit ako sa aking kama at umupo sa tabi ni Katherine.

"Alam mo Katherine, gusto kong magpasalamat sayo kasi sobrang laki ng naitulong mo sa akin. Naging posible ang lahat ng imposible ng makilala kita, nakapag-aral ako sa isang kilalang unibersidad at nakakilala ng mga taong imposible kong makasalamuha. Talagang napakasaya ko. P-pero gusto ko ring humingi ng tawad sayo." Napahigpit ang kapit ko sa aking kobre kama. "K-kasi sa lahat ng kabutihang ipinakita mo sa akin, sama ng loob lang ang naiganti ko." Nakayukong sabi ko, huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy.

"S-sorry Katherine kung nagkagusto ako kay Shino." Tahimik at seryoso lang din siyang nakikinig sa akin. "P-pero huwag kang mag-alala k-kasi wala naman akong intensyong agawin siya sayo kaya simula ngayon ay iiwasan ko na siya."  Naiiyak kong sabi sa kanya habang nilalaru-laro ko ang aking mga daliri sa kamay.

"Sa tingin mo ba Raijen magiging madali lang para sa akin ang lahat? Paano ko pa maibabalik ngayon ang tiwala ko kay Shino?"  Prangka ngunit kalmadong tanong ni Katherine.

Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot kaya nanahimik na lang ako.

"Alam mo bang siya ang una kong nakausap ng malaman kong may something na pala sa inyong dalawa?  Ang sabi niya sa akin gusto ka niya, hindi lang gusto kundi gustong-gusto! Alam mo para na akong sasabog sa sobrang selos ng mga panahong iyon. Para nga akong baliw na umiyak sa harapan niya eh. Ang sakit kasi. Sobrang sakit! "

"S-sorry Katherine." Yun na lamang ang nasabi ko dahil kinakain pa rin ako ng guilt at hiya.

"P-pero at the same time natuwa din ako Raijen kasi sobrang saya ni Shino habang kinukuwento niya sa akin kung gano ka daw niya ka-gusto. Sa tuwing nakikita ka daw niya tumatalon daw ang puso niya, simula daw ng makilala ka niya naging conscious na rin siya physical appearance niya at dun din niya daw naranasan ang kiligin. Para siyang bata na nagkukuwento sa akin tungkol sa first crush niya at talaga namang sobrang saya niya. Never pa niya akong kinausap ng ganun."

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now