Chapter 75: Another Misunderstandings

3.7K 51 25
                                    

Chapter 75: Another Misunderstandings

Raijen's POV 

Lagpas isang linggo na ang lumipas simula nung may nangyari sa amin ni Shino. I still can't forget the way he kissed me, the way he touched me and made love to me. Sa tuwing iniisip ko yun para akong batang kinikilig, halos tatlong araw na rin akong hindi makatulog nang dahil dun.

Magkahalong saya, takot at kunsensya kasi ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil napag-isa namin ni Shino ang aming mga katawan at naparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal at the same time takot ako, takot ako kasi alam ko namang puwedeng magbunga ang ginawa naming iyon. At ang nakakatakot pa eh yung may nangyari din daw sa amin ni Eugene, what if mabuntis nga ko? Kaninong anak iyon? Napaka walang kuwenta kong babae.

Kunsensya, after nang sarap ay nakaramdam ako nang kunsensya. Ano nang sasabihin sa akin nang pamilya ko if ever? I'm on a legal age naman na, I'm 19 already pero hindi pa'ko tapos nang pag-aaral. Medyo tagilid pa nga ako kasi diba aalis na ako nang Ashton after this day? Yeah. After this day. Last day of final examination na kasi ngayong araw at ito na rin ang last  day ko sa Ashton University. Tapos nakakakunsensya pa kasi naibigay ko agad ito kahit wala pang kasalang nagaganap, masasabi kong mahal ko talaga si Shino pero wala rin naman akong kasiguraduhan kung siya ba talaga ang makakatuluyan ko. Gahd! Nagpadala ako sa emosyon  ko. Ang daling sabihin na pigilan at kontrolin iyon pero iba pala talaga pag nandun ka na sa mismong sitwasyon.

Kasalukuyan akong naglalakad sa kahabaan nang corridor nang Ashton University. Hindi ko alam kung saan pumunta si Shino after exam, bigla na lang kasi siyang nawala sa paningin ko at pinakakaba ako nun. Bihira kasi yung ganito, madalas kasi nagpapaalam siya sa akin o kaya naman ay sinasama niya ko sa tuwing may pupuntahan siya. Ano kayang nangyari?

Eugene's POV

 

I'm in the middle of my deep toughts yesterday. I'm about to tell Raijen the truth that nothing happens between us. Until I received a phone call.

Iniangat ko yung phone upang makita kung sino ba yung tumatawag. 

"Number lang? Sino kaya to?" Tanong ko sa aking sarili. 

" Hello.  Who's this?" Sinagot ko yung phone.

"Shino, Shino Thompson." Sagot nang malaking boses nang lalaki sa kabilang linya. Napalunok ako nang dalawang magkasunod. Inaamin kong nakaramdam ako nang kaba at takot sa narinig kong iyon. Hindi dahil sa takot ko kay Shino kung hindi dahil sa guilt na nasusunog sa loob nang aking pagkatao. Alam kong onektado yung pagsisinungaling ko sa dahilan kung bakit niya ko tinatawagan ngayon.

" Nakakabigla naman yata 't tumatawag ka sa'ken ngayon?" Patay malisyang sagot ko na para bang hindi ako natatakot sa kanya.

" Hihintayin kita bukas sa storage room. May dapat kang linawin sa akin."

Napangisi ako, mukhang gets ko na ang gusto niyang iparating.

"Okay then, I'll give  you something that will brings  you nightmare." Sabay baba ko sa phone.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now