Chapter 68: Party

3.4K 51 15
                                    

Chapter 68: Party 

Raijen's POV

Kasalukuyan akong nasa parlor ngayon at tinatampal-tampal nang mga make-up artist. Tae lungs. Ayoko sa lahat yung pinapatungan nang kung anu-anong kemikal yung mukha  ko. Para kasing hinihila nito pababa ang magkabilang pisngi ko.

Iniisip niyo ba kung bakit ako nandito ngayon? Sinundo kasi ako ni Shino kanina sa  amin. Sabi niya dalhin ko daw  yung mga damit na ibinili niya para  sa akin. Tapos papaparloran daw niya ako para magmukha naman daw akong tao. Ganun din yung sinabi sa akin ni Katherine noon bago ako paparloran. Yung totoo? Mukha ba akong aso?

Iniwan ako ni Shino dito. Bayad na daw ang lahat at may kotseng susundo sa akin mamaya para ihatid sa Mansion 1 nang mga Thompson. Doon daw ang venue nang  welcome party. So may mansion 2, 3 at 4 pa pala sila?

Hindi daw niya ako ma e-escortan papunta  dun dahil marami daw siyang aasikasuhin. Kailangan daw niyang makausap ang daddy at auntie niya. So naiwan ako ditong mag-isa habang nilalamog nang mga make-up artist ang mukha ko.

Matapos kong malamog este maayusan ay agad naman na may sumundong van sa akin. Iniisip ko nga na baka kidnappers yun dahil may trauma na'ko sa ganyan-ganyan pero nakampante naman ako nang makita ko si Butler William niya na nagda-drive. So Sumakay na ako.

Shino's POV

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayong nandito ako sa mansion 1 nang mga Thompson. Ang bahay kung saan ako lumaki. Ang bahay na nagpapabalik sa mga mapapait na ala-ala.

Iniikot ko ang aking mata sa maliit na kuwarto kung saan ko inaayos ang kurbata ko. Ito dapat ang kuwarto ko noon kung hindi lang ako kinukulong ni mommy sa likod bahay. Parang may kung anong tumibok sa puso ko. Parang nanlamig ng batok ko nang magflashback sa utak ko ang pangmamaltratong natamo ko noon. 

Knock! Knock!

"Pasok!" Sabi ko.

Nakita kong bukas na ang pinto at nakatayo si daddy doon. Tumanda siya dahil sa ilang puting buhok na hindi na naitago pa. May bigote't balbas na  din ito. Dun ko tuloy narealize na matagal na panahon na pala bago ko pa siya huling nakita. Matagal na panahon na rin akong nag-iisa,

" You look surprised son." Pagbabasag niya sa katahimikan.

" A bit." Matipid na sagot ko.

" It's been a long time." Pagdudugtong niya.

"Yeah." Walang gana kong sagot. Paano ko ba naman mamimiss ang taong sumira sa lahat? Ang taong sumira kay mommy, ang taong nagpahirap sa tunay na ama ni  Shina ang taong sumira sa'ken. Pero wala pa rin kaming karapatang magalit sa kanya. Masyado siyang makapangyarihan. 

" Shino, pamangkin! " Masayang wika nang papapasok pa lang naa babae. Si Auntie.

" Auntie Amber! "  Di gaya nang kay daddy ay masaya ko  itong sinalubong. Sa buong buhay ko siya lang ang nagmalasakit sa akin. Siya ang tumayong ilaw ko sa mga panahong kinakain ako nang kadiliman. Siya ang naging nanay ko sa mga oras nang pangangailangan. Napangiti lang nang mapait  si daddy sa kanyang natunghayan.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon