Chapter 3: The Arrogant Prince

10.1K 234 87
                                    

Chapter 3: The Arrogant Prince

Lunes ng umaga.

Maganda ang panahon, mataas ang sikat ng araw, normal ang lahat maliban sa naparaming gel sa buhok ko.

Sa kahabaan ng aking nilakad matapos akong ibaba ng sinakyan kong tricycle sa tapat ng tindahan ni Aling Bochog ay tumambad sa aking mga mata ang magarang gate ng Ashton University.

Kulay itim ito at may detailed patterns and designs. Masisilip mo ang malaki at magandang fountain mula sa labas na talaga namang magpapa nga-nga ka. Sa telebisyon ko lang kasi nakikita ang ganitong uri nang paaralan.

Sa sobrang tulala ay hindi ko namalayang may bumubusinang sasakyan na pala sa may likuran ko.

Nilingon ko ito at nakita ang driver ng limousine na palabas mula sa sasakyang kanina pa bumubusina.

Hindi ako nakaalis agad sa kinatatayuan ko kahit pa alam kong papalapit na siya sa akin.

"Mawalang galang na po pero nakaharang po kayo sa daanan."

"Naku! Paumanhin po." Magalang na paghingi ko ng tawad

Akala ko okay na ang lahat ng biglang bumaba din ang estudyanteng nasa loob ng sasakyan. Siya malamang yung mamay-ari nung limousine.

Lalaki ito, mga 6 footer siguro ang taas, may makinis at maputing kutis ,chinito at masasabi kong napakaganda nitong lalaki. Wala akong laban sa appearance pa lang. Nakakababa ng self confidence.

"Oi!" Pagalit na wika nung lalaki. Nakasimangot siyang lumapit sa amin nung driver.

"Bakit ka nakatambay dito? Hindi mo ba alam na daanan ng sasakyan ang lugar na ito?"
Inis na sabi niya,

"P-pasensya na dude, bagong estudyante lang kasi ako at wala rin akong sasakyan." Agad na hingi ko ng tawad.

"Ano kamo?!" Inis nanaman na tanong niya. Tsk! Siya tong bingi tapos siya pa ang may ganang mainis. Pasalamat siya at wala akong ganang basagin ang mukha niya ah!

" Bagong estudyante lang ako dito na walang sasakyan. Ulitin ko pa?" Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina para naman maunawaan ng lalaking ito.

Napangisi lang siya at tumalikod saglit, sa kanyang pagharap ay bumalik nanaman ang lukot niyang mukha.

" Yung totoo, hindi ka talaga estudyante dito ano? Paano ka nakapag-enroll dilto kung hindi mo afford ang magkaroon ng kotse?" Maangas niyang pagtatanong.

"Tinulungan lang naman ako ni Miss Katherine Harris." Proud na sagot ko.

Lalong lumukot ang mukha nung lalaki ng marinig niya ang sinabi ko. Isa rin siguro ito sa mga taga-hanga ni Miss Katherine at malamang ay naiinggit na ito sa akin ngayon.

"Si Katherine?" Tanong nung lalaki na para bang hindi naniniwala sa mga sinabi ko.

"Oo , ulitin ko ulit?" pambabara ko. Ang bingi kasi ng ilong niya eh. Badtrip!

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now