Chapter 37: May Nangyari Ba Sa Atin?

6.5K 112 16
                                    

 

Chapter 37: May Nangyari Ba Sa Atin?

[Raijen's POV]

"Unnnnngh.. "

'Ang sakit-sakit nang ulo ko.' (haplos sa ulo)

Napagpasyahan kong dumilat at isawalambahala muna ang ulo kong sumasakit para matunghayan ang mga nangyayari sa kapaligiran ko.

"Unggggh, Kelan pa napinturahan nang puti ang kisame nang kuwarto ko?"

*Kurap, Kurap*

Kinuso't -kusot ang mga mata ko para maglinaw ang aking paningin.

*Kurap, kurap *

Haaays! Hindi ako makadilat nang maayos. Bukod kasi sa napakasakit nang ulo ko eh napakaliwanag pa nang sikat nang araw na tumatagos sa puting kurtina.

*Hikab*

T-teka? Bakit may puting kurtina sa kuwarto ko? Bakit kailangang alisin ni mama yung kurtina kong Angry Birds? Favorite ko pa naman yun tsk!

Inilipat ko ang posisyon nang aking katawan at humiga patagilid. Inamuy-amoy ko yung kobre kama.

Uhmmm.. ang bangu-bango naman nito amoy Downy, ang husay talagang maglaba ni inay hihi.

Ayoko pang bumangon, gising man ang diwa ko pero wala pa din ako sa aking ulirat. Pakiramdam ko'y nananaginip ako. Ay shet! Speaking of panaginip, ang sarap este ang ganda nang panaginip ko kagabi.

Naghahalikan daw kami ni Shino at super romantic nung kiss namin! Ahaaaay! Sana di na lang ako nagising.

Bumalik muli sa aking isipan yung tungkol dun sa puting kisame.

Biglang nanlaki ang aking mga mata. Napagtanto ko kasi sa aking isipan na wala nga palang kisame ang kuwarto ko, derecho yero kasi agad yun tapos yung kama sobrang lambot samantalang sa folding bed lang naman ako natutulog.

Napabalikwas ako sa kinahihigan at napagtantong wala nga ako sa aking kuwarto. Agad akong bumangon at pinagmasdan ang kapaligiran.

Ang lugar na ito, medyo pamilyar siya.

Nasapo ko ang aking ulo dahil sumasakit pa din siya.

Argh! Bakit ako nandito? Ano bang nangyari kagabi? Ang tanging naaalala ko lang kasi ay nasa bar kami nung girlfriend kong si Honey. T-teka? Si Honey nga pala. Nasaan  na siya? Hindi kaya dinala niya ako sa lugar na ito at may nangyari pala sa amin?

Yumuko ako at pinagmasdan kung may saplot ba akong suot at napagtanto kong isang puting T-shirt lamang ang suot ko, may panloob  pa naman ako, yung brief ko.

Hala! Imposibleng may nangyari sa amin ni Honey dahil siguradong itatapon ako nun sa kung saan sa oras na malaman niyang babae ako. T-teka, may naaalala ulit ako, may nilalandi pala siyang lalaki kagabi at nagsuntukan kami nang lalaking iyon.

Muli kong nasapo ang aking ulo para isipin kung ano pa ba ang mga nangyari pagkatapos nun..

Isip Raijen ,isip...

Si Shino! Oo nga pala nandun si Shino sa bar.... tapos isinakay niya ako sa taxi tapos ibinaba sa kung anong lugar tapos....

Nanigas ang aking leeg, nanlaki ang mga mata at namula nang parang kamatis nang mailinaw ko na ang sarili ko kung ano ba talaga ang tunay na nangyari sa amin ni Shino.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon