Chapter 39 : Partners

5.6K 112 14
                                    

Chapter 39 : Partners

[Raijen's POV]

Tawa lang ako nang tawa at halos magmukhang timang sa inasal ni Shino, para siyang tensyonadong ewan na nagmamadaling lumabas nang boxers lang ang suot, may bibilhin daw siya? Hahaha! Tae di ko maiwasang matawa despite my looks today.

"Argh! Wala na pala akong susuoting damit! Pinasuot ko na sayo!" Pagmamaktol pa niya.

"Eh di yung polo ko kahapon, hiramin mo muna."

"Parang kasya naman sa akin yun eh napakaliit nang katawan mo kumpara sa katawan ko." Nag macho pose pa siya para lalong maipagmalaki yung muscle niya.

"Whatever! Maglakad ka na lang nang ganyan sa labas kung gusto mo."

"Sa tingin mo makakabalik pa ako nang buhay dito kapag ginawa ko yun? Baka mapagtripan pa ako sa labas dahil sa ganda ng katawan ko"

"Wow ha! Di naman kagandahan katawan mo. kung maka-asta ka!" Joke, sa totoo lang sobrang hot ni Shino, gaya nga nang sinabi ko sa inyo, katawan pa lang niya ulam na. Sobrang hunk talaga siya.

"Ah ganon?"

Dahan- dahan siyang lumalapit sa akin emphasizing his body. Tae! Pinapawisan ako nang malagkit, actually kanina pa talaga ako pinapawisan nang ganito dahil sa hitsura niya. He's smokin hot! 

Akala ko naman kung anong trip niya, baka kasi gumawa nanaman nang mga bagay na hindi ka nais-nais sa akin pero nilagpasan niya ako at dumiretso papuntang kama.

Medyo na disappoint ako kasi ine-expect ko na aakitin niya akong muli at pahihinain sa pamamagitan nung body beautiful niya pero hindi eh, hindi ganun ang nangyari.

Kainis! Nagiging manyak na ata ako, kasalanan to ni Shino.

Hinintay ko na lang siyang bumalik sa may kusina, medyo natuyo na rin naman yung basa kong t-shirt kaya kumportable na akong maupo na lang sa isang tabi na walang pag-aalala na baka bumakat ang dibdib ko.

Alam kong babalik pa sIya dito dahil naririning kong may kinakalutkot lang siya dun sa may kuwarto. Baka naghahanap lang siya nang damit na maisusuot.

Maya-maya pa ay may narinig akong papalapit na yabag sa akin. Agad ko itong nilingon kahit pa expected ko nang si Shino iyon.

"Pfft!........... Ahahahahahahaha!!"

Di ko maiwasang matawa kasi sobrang baduy nung suot niyang damit.

"Eeeer! Bakit ka natatawa? Hindi ka ba pamilyar sa damit na ito?"

Napahinto ako sa pagtawa kahit pa naluluha at sobrang sakit na nang tiyan ko. Napa-isip akong bigla, parang pamilyar nga kasi sa akin yung suot niya. Parang.....

Nag flash back sa akin yung lalaking weirdo na sunod nang sunod sa amin ni Honey. Parang kahawig kasi niya eh.. Hmmmm...

"T-teka huwag mong sabihing ikaw yung stalker ni Honey!?"

Napakunot noo siya habang naka crossed arms.

"Stalker ni Honey? Baka stalker mo? Wala na akong balak na stalkin pang ibang babae maliban sayo noh?"

Napa smile-smile lamang ako dahil kahit pa may nakatutuwa siyang hitsura at nakakunot ang kanyang mga kilay eh hindi pa rin siya nabigong pakiligin ako.

"Psh! Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Kala mo ang cute mo?! Aalis na ako, magshower ka na at ang bahu-baho mo na!"  Pasigaw niyang sabi.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now