Chapter 31: Bad Luck

5.6K 109 19
                                    

Chapter 31: Bad Luck

[Zenji's POV]

Nagulantang ako nang marinig ko ang boses ni Shino at mas lalo pang nakaramdam ng kaba nang matanaw ko siya sa may di kalayuan. Malaki naman ang posibilidad na hindi niya nakita ang mga pangyayari dahil mukhang kalalabas pa lang naman niya nang banyo pero hindi ako dapat maging panatag nang dahil lang sa paningin kong iyon, paano kung mali ako at nakita pala niya ang lahat ? Tapos, handa na pala niya akong sapakin sa oras na tumapak ang mga paa niya dito sa lugar na kinalalagyan ko?

"Katherine! Bakit ka sumisigaw?" Pasigaw din niyang tanong.

Malayo pa rin kasi siya sa kinaroroonan namin kaya naman kailangan niya pang sumigaw para malinaw na marinig ni Katherine ang kanyang boses.

Nakatingin lang sa kawalan si Katherine at tila hindi naririnig ang mga sigaw ni Shino. Naka-estatwa lang siya habang naka-upo pa rin sa may damuhan, hindi kasi siya nagre-response kahit facial expression man lang.

"Bubuyog! Hinabol siya kanina nang bubuyog!" Biglang singit ko.

"H-hah?!" Gulat na sabi ni Shino.

Nagmadaling tumakbo si Shino patungo sa kinaroroonan namin ni Katherine. Nilapitan niya ang girlfriend at hinawakan ito sa magkabilang balikat.

"Okay ka lang?"  Pag-aalalang tanong nito.

Mukhang hindi nga niya nakita yung karumal-dumal na nangyari sa amin ni Katherine dahil wala siyang nasabi o na-itanong man lang tungkol dito.

" Katherine anong nangyari sayo? Nakagat ka ba nang bubuyog?"

Pinagmamasdan ko silang dalawa at napansin kong nanlaki ang mga mata ni Katherine na parang nagulat sa tinanong ni Shino. Umiling-iling siya saglit at tumitig sa akin ng masama. Mukha siyang kaawa-awa sa magulo niyang buhok at pa-iyak na mga mata. Kung titiignan ang kanyang hitsura ay para siyang napagsamantalahang babae. T-teka, pinagsamantalahan ko nga ba siya? Hindi naman diba? Aksidente yung nangyari,  AKSIDENTE.

Ibinaling niya muli ang tingin kay Shino at nagsalita.

"H-hindi, hindi ako nakagat. Nadapuan lang ako nang bubuyog sa labi. Kadiri baby, sobrang kadiri."

"Huwag kang mag-alala at sigurado akong mamamatay din yung bubuyog na yun sa lalong madaling panahon."

"Sana nga mamatay na siya baby, para sayo lang kasi ang lips ko at hindi para sa ibang mga nilalang."

"Naku ang daming kalat! Sayang naman yung natapakan kong sandwich at madaming bata ang nagugutom ngayon sa bansang ito." Panhihimasok ko sa usapan nila.

Aba't medyo nababastos na ako eh, gawin ba akong bubuyog at nakakadiri daw ako! Asar!!

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now