Chapter 70: A Kiss in the Rain

3.5K 66 12
                                    

Chapter 70: A Kiss in the Rain

Katherine's POV

" H-Hello Zenji..." Nanginginig kong sabi. Pero bago pa man niya masagot ang kabilang linya ay may kumalabit na sa akin.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Napasigaw na lang ako nang malakas. Ipinikit ko na lang nang madiin ang aking mga mata, natatakot akong lingunin kung sino man yung kumakalabit sa'kin.

" Nagiging eskandalosa ka na talaga ano?" Idinilat ko ang aking mga mata nang aking mabosesan yung taong nasa likod ko. Nagkaroon na ako nang lakas nang loob na lingunin siya pero bago ko pa man siya tuluyang makita ay may daliring humarang at nag-poke sa pisngi ko.

"Gotcha!" Nangingiting sabi nung lalaki. Dutdotdutdot nang hintuturo niya ang pisngi ko. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tuluyan na akong naiyak.

"B-bakit? Masakit ba?" Agad niyang inialis yung hintuturo niya sa pisngi ko. Umiling-iling ako at niyakap na lang siya bigla. Nagulat din ako sa nagawa ko.

" Zenji. You came! Thank you!" Biglaan kong sabi habang yakap yakap siya.

" T-teka, naguguluhan ako ano bang nangyari?" Halatang naguguluhang tanong ni Zenji.

"M-may mga lalaki sa labas, kanina pa nila ako tinitignan. I was scared. H-hindi ko alam kung anong gagawin ko." Hagulgol ko. Pero nakaramdam din ako nag awkwardness kaya naman agad kong ikinalas ang aking pagkakayakap sa kanya. He looks puzzled.

" Magkalinawan tayo,I'm not here for you. Hinahabol ko si boss. Nagkataong nakita lang kita dito. Anyway, marami akong gustog itanong sayo."

Napakagat labi ako at kinutuban.

Zenji's POV

Nagulat ako nang malaman kong si Shina pala'y kapatid ni Shino. Small world nga naman at halos gusto kong manapak sa event kanina. Naiimbyerna pa din ako kay Shina pero nawala ang lahat nang iyon nang makita ko sa entablado si Shino at Katherine. Engagement daw nila? Secret lang natin to ah, pero nakaramdam ako nang konting selos. Konti lang naman mas malamang yung inis. Anong trip nila? Akala ko ba wala na silang relasyon pero heto't nasa itaas nang stage. Imposibleng coincidence lang iyon. Halatang pinlano nila yun para ano? Para saktan ako? Este... Si Raijen.

Nakita kong tumakbo si Boss at halatang umiiyak siya. Nabagabag nanaman ako kaya tumakbo ako para sundan siya. Badtrip lang kasi bigla nalang siyang nawala sa paningin ko dahil medyo madilim sa loob nang hall at madaming tao.

Sinubukan ko siyang hanapin sa labas nang mansyon pero bigo ako. Babalik na sana ako sa hall nang sunod ko namang makita ang nagmamadaling si Katherine. Tumatakbo ito at lumabas nang gate. Hindi ko alam pero hinila ako nang mga paa ko para sundan siya.

Sumakay siya sa jeep na punuan kaya hindi ko nagawang sakyan ang jeep na iyon. Agad akong sumakay sa sumunod na jeep at inantabayanan ang jeep na sinasakyan niya. Pumara ako nang pumara siya pero bago ko pa man siya lapitan ay inobserbahan ko muna ang kanyang gagawin.

Nakita kong may ilang lalaki ang sumusunod kay Katherine. Tatakbo na sana ako sa kinaroroonan niya pero bigla siyang pumasok sa convenience store. Mukhang trip talaga siya nung mga tambay at kinakawayan pa siya mula sa labas. Mga gagu lang, try to touch her and I'll make your life a living hell.

Pumasok na din ako sa convenience store para maprotektahan si Katherine, may mga bagay din akong gustong linawin sa kanya.

Katherine's POV

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now