Chapter 6: Unexpected Bonding.

8.5K 190 38
                                    

Chapter 6: Unexpected Bonding.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!! BAKIT DI KA PA UMALIS DIYAN BASTOS!!!"

Binato ko siya ng damit na pinaghubaran ko (yung may tapon ng juice). Hindi pa ako nakuntento at sunod kong binato sa kanya yung unan sa kama, tapos yung kumot, tapos yung damit niya na dapat ay susuotin ko. Gusto ko na nga rin sanang ibato yung cabinet at mismong kama eh kaso hiyang-hiya naman ako as if na gamit ko yun diba?

"A-ano ba?!!!" Pasigaw na daing ni Shino.

Tumingin siya sa akin ng nakasimangot pero na-realize niya na wala nga pala ako ni katiting na saplot sa katawan kaya naman napaiwas ulit ito ng tingin. Kitang-kita sa mukha niya ang sobrang pamumula.

Nagmadali siyang lumabas at isinara ang pinto.

Hindi ko na matagalan ang sitwasyong iyon. Sobra na ang kahihiyang dinaranas ko ngayon as in! Para bang gusto ko ng matunaw sa kinatatayuan ko o kaya naman ay mag teleport! Nakuuuu!!!!

"R-raijen!" Biglang rinig ko sa boses ni Shino mula sa labas ng kuwarto.

"M-maghintay ka lang diyan at magpapabili ako ng damit para sayo!" Natatarantang sabi niya. Obvious naman na natataranta siya dahil sa tono ng pananalita niya.

"H-hah?! Di na kelangan kahit anong damit okay lang sa akin!" Pagkontra ko sa sinabi niya.

"G-giniginaw ka na siguro, suotin mo muna itong damit ko na binato mo." May tono ng pag-alala ang boses ni Shino. Nakakabading lang pakinggan pre!

Nilabas ko ang kamay ko mula sa pinto.

"Akin na!" Pasigaw kong sabi habang inuutusan ko siyang iabot sa akin yung damit.

Agad niyang iniabot yung hinihingi ko at hinablot ko ito agad mula sa kanya. Makalipas ang ilang minuto at nakapagbihis na din ako, nanghiram lang ako ng panloob kay Jenny at pumayag naman siya agad. Dapat lang at the first place kasalanan niyang lahat to choss!! Nakakahiya pero wala akong choice eh.

Lumabas na ako ng kuwarto, nagulat ako kasi nakatayo pa rin si Shino sa labas. Anong problema nito?

Titig na titig siya sa akin na para bang wala ng bukas para titigan ako.

"Raijen"

"Baket!" Nakasimangot na sagot ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin, yumuko at napakamot sa batok niya.

"Sorry." Mahinang sabi niya.

"H-ha?" I asked him because I'm not sure kung tama bang sorry nga yung narinig kong word or nagha-hallucinate lang ako.

Inangat niya ang ulo niya at tinignan ako ng diretso sa mga mata.

"Sabi ko sorry"

Medyo natuwa ako sa narinig ko at nang subukan ko siyang tignan ay parang may nag i-spark na mga dyamante sa paligid niya. Mukha siyang maamong tupa ngayon kumpara sa tiger look at blood shot eyes niya kanina. Medyo humahaba pa nguso niya habang nagsosorry, pabebe look ba. Kala naman niya cute pero impernes cute nga! Kung babae lang ako siniil ko na nang halik to eh! Hahaha!

T-teka, ano ba tong mga sinasabi ko? Ay anu ka ba Raijen! Tandaan mo kahit bistado ka na eh lalaki at maton pa rin dapat ang puso mo. Sigurado ka na sa desisyon mo at kahit ang kuya mo ay wala ng nagawa dito kaya umayos ka!

"Aalis na ko!" Pasigaw kong sabi.

Aalis na sana ako pero bago pa man ako maka step forward papalabas sa kinaroroonan namin ay nakaramdam ako ng kamay na humawak ng mahigpit sa braso ko. Pinipigilan ba niya ako?

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now