Chapter 30: Another Kiss

6K 113 27
                                    

Chapter 30: Another Kiss

“Raijen, Zenji!”

Bigla akong nabato dahil boses ni Katherine yung tumatawag sa akin. Unti-unti akong napalingon sa lugar kung saan ko naririning yung pangalan namin ni Zenji at nakita ko dun si Katherine na kumakaway-kaway. Naaaninag ko din si Shino, nakatalikod lang ito at hindi lumilingon.

“Mag la-lunch din kayo? Saluhan niyo naman kami ni Shino at madami akong nilutong pagkain.”

Uh,oh! Makiki-epal ba ko sa kanila dun oh magpapanggap na walang narinig at didiretso sa canteen? Pero nilingon ko na sila hindi ba? Ibig sabihin nun nakita ko na sila. Anong gagawin kooo?

Aalis na  sana ako at hindi na lang sila papansinin ng bigla akong higitin ni Zenji sa may balikat.

“Saan ka pupunta, hindi ba tayo makikisali sa kanila.”

Ang tanga naman nito ni Zenji, alam naman niyang masama ang loob ko kela Katherine at Shino tapos tinatanong niya ko ngayon kung hindi daw ba kami makikisali sa kanila ? Anong klaseng tanong yun?

Hindi ko na lang pinansin si Zenji at akmang aalis muli pero hinigit nanaman niya ako sa may balikat para pigilan

“Boss, Anong pag-iinarte yan? Iiwas ka na lang ba nang iiwas sa kanila? “

Napalingon ako kay Zenji dahil sa tingin ko ay may maganda namang dahilan ang gusto niyang mangyari

“Anong ibig mong sabihin dun?”

“ Simple lang, kelangan mo silang harapin. Oo, nandun na ako nasasaktan ka sa ngayon pero hindi naman puwedeng iiwas at iiwas ka na lang sa kanila araw-araw hindi ba? Hahayaan mo na lang bang maging awkward ang pakiramdam mo sa tuwing makikita silang magkasama?”

Medyo naliwanagan ako ng konti sa gusto niyang mangyari.

“So you mean na kelangan kong magpanggap na wala lang sa akin yung nangyari hanggang sa masanay na ko?

“Exactly! Huwag ka ngang maarte boss, parang naging kayo naman ni Shino para mag-emote ka nang ganyan.”

“Leshe! Hindi ko alam kung matutuwa ba ko dun sa sinabi mo Zenji!”

Hindi na niya ako sinagot, wala rin naman kasing kuwenta kung magtatalo pa kami dun. Hinila niya ako patungo sa kinaroroonan nila Katherine at Shino.

“Just  act normal bossing.”Paalala niya sa akin habang naglalakad kami. As if namang madali lang ang umarte nang normal kapag may sakit kang nararamdaman sa puso mo. Ang engot lang minsan ni Zenji, naturingan pa namang scholar. Naku!

Nakarating kami sa liliman ng puno kung saan naroroon sila Katherine at Shino. Hindi ko alam kung paano ako kikilos, kinakabahan kasi akong harapin silang dalawa.

HE IS MY SHE  (COMPLETED)Where stories live. Discover now